MRT dalawang beses nang nakaranas ng aberya

By Dona Dominguez-Cargullo October 18, 2017 - 06:50 AM

Maagang nakaranas ng aberya sa biyahe ang mga pasahero ng Metro Rail Transit (MRT) ngayong umaga ng Miyerkules, Oct. 18.

Sa abiso ng MRT sa kanilang twitter account, pinababa ang mga pasahero sa Boni station southbound alas 5:22 ng umaga.

Ito ay dahil sa isang tren nila na nakaranas ng technical problem.

Pinasakay na lang sa kasunod na tren ang mga apektadong pasahero.

Samantala, alas 8:20 naman ng umaga nang maitala ang ikalawang aberya sa MRT.

Pinababa ang mga pasahero sa Shaw Blvd. station Southbound dahil sa nagkaproblema din na tren.

Kahapon, dalawang beses na nakaranas ng aberya sa biyahe ng MRT.

Nakapagpahinga naman sa aberya ang mga pasahero sa dalawang magkasunod na araw noong October 15 at 16.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Boni station, MRT, technical problem, Boni station, MRT, technical problem

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.