Biyahe sa EDSA, nabawasan na ng 10-15 minuto ayon sa PNP-HPG

By Kathleen Betina Aenlle September 12, 2015 - 05:00 PM

edsa trafficSampu hanggang labinglimang minuto na ayon sa isang pulis ang nabawas sa oras na ginugugol ng mga biyahero sa tuwing dadaan sa EDSA simula nang maitalaga ang mga tauhan ng Philippine National Police – Highway Patrol Group na magmando ng trapiko rito.

Gayunpaman, “2 out of 10” pa lang ang markang ibinigay sa kanila ng kanilang hepe na si Chief Supt. Arnold Gunnacao sa unang limang araw ng kanilang pagmamando sa trapiko sa EDSA na nagsimula noong September 7.

Aniya sa kabuuan ay nabawasan ang travel time sa EDSA at inihalimbawa niya pa ang biyaheng mula Monumento hanggang Quezon Avenue na dating isang oras ang tinatahak, ngayon ay nasa 45 minuto na lamang.

Para kay Gunnacao, ito ay isang magandang pagbabago at senyales ng pag-unlad sa problema ng trapiko.

Ito rin aniya ang agarang resulta na nais makita ni Pangulong Aquino, pero iginiit rin niya na kaya pa nilang mas mapabuti ito.

Kabilang naman sa mga tinitingnang solusyon ng HPG para mas mapabuti ang trapiko, ay ang pagsasara ng ilang U-turn slots at pag-uurong ng ilang bus stops na napansin nilang malaki ang naiaambag sa pagsisiksikan ng mga sasakyan sa daan.

Simula rin sa Lunes, mas pahihigpitin na ng HPG ang pagmamando sa trapiko sa nasabing pangunahing daanan sa Metro Manila.

TAGS: 10 to 15 minute less travel time on edsa, hpg on edsa, 10 to 15 minute less travel time on edsa, hpg on edsa

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.