Marawi siege: 163 sundalo, 47 sibilyan, 847 Maute terrorists, patay

 

Inquirer file photo

Hindi naging madali para sa puwersa ng gobyerno ang pagbawi sa Marawi City mula sa mga galamay ng Maute group.

Sa pinakahuling tala ng militar, aabot sa 163 sundalo ang nagbuwis ng buhay at marami pa ang nasugatan upang makuhang muli naturang lungsod.

Sa kabuuan, bukod sa 163 sundalo, nasa 47 sibilyan pa ang namatay sa halos limang buwang bakbakan.

Nasa 847 miyembro naman ng Maute terror group ang napatay ng pinagsamang puwersa ng militar at pulisya.

Libu-libo namang residente ang napilitang iwan ang kanilang mga tahanan sa gitna ng bakbakan at manirahan sa mga evacuation shelters ng halos limang buwan.

Ayon kay AFP spokesperson Maj. Gen. Restituto Padilla, ang Marawi Siege ang itinuturing nilang pinakamatinding operasyon na kanilang isinakatuparan sa kasaysayan ng bansa.

Sa katotohanan aniya, mas matindi pa ang naging bakbakan sa Marawi City kung ikukumpara sa Zamboanga siege noong 2013.

Kahapon, opisyal nang idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘liberated’ na ang Marawi City isang araw matapos mapatay sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

 

 

Read more...