Martial law mananatili pa rin sa buong Mindanao

Inquirer photo

Ito ay kahit na inihayag na ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na mula sa kamay ng mga terorista ang Marawi City.

Kahapon ay napatay ng tropa ng pamahalaan ang kinikilalang Emir ng ISIS sa Southeast Asia na si Isnilon Hapilon at lider ng Maute group na si Omar Maute.

Sa Mindanao hour sa Malacañang, sinabi ni Armed Forces of the Philippines Spokesman Major General Restituto Padilla, na kinakailagan pa ang amrtial law para sa rehabilitasyon ng Marawi City.

Tiniyak din ni Padilla na dadaan sa konsultasyon ang pagbawi sa Martial Law.

Paliwanag ni Padilla, isang desisyong pulitikal ang usapin ng martial law kaya kailangan itong ibatay sa magiging rekomendasyon ng AFP, Department of National Defense at ng pamahalaang lokal ng Marawi City.

Iginiit ni Padilla na hindi naman dapat katakutan ang martial law kung law abiding citizen ang isang sibilyan.

Read more...