Duterte sa Piston: Gusto ninyo ng away, sige mag-giyera tayo

By Den Macaranas October 17, 2017 - 05:59 PM

RTVM

Tinawag na legal front ng Communist Party of the Philippines – New People’s Army (CPP-NPA) ang grupong Piston.

Kasabay nito, sinabi ng pangulo na binibigyan na lamang niya ng hanggang sa katapusan ng taon ang nasabing grupo para sumunod sa inilagat na jeepney modernization project ng pamahalaan.

“Tawagin nyo na akong diktador kung gusto ninyo…hindi ako tatagal na pangulo kapag hindi ko kayang ipatupad ang mga batas”, pahayag ni Duterte.

Dagdag pa ng pangulo, “Pagdating ng January 1, kapag may nakita ako diyan na jeep ninyo na hindi narehistro, luma, guguyurin ko yan sa harap ninyo”.

Inulan rin ng mura ang mga pinuno ng Piston dahil sa pinalalaki lang umano nila ang isyu samantalang malaki ang problema sa public transport sa bansa.

Tulad ng iba pang lider ng CPP-NPA, kakasuhan rin umano ng pangulo ang mga ito dahil sa pagsusulong ng rebelyon.

Binigyang-diin rin ni Duterte na mayorya ng mga Pinoy ang umaasa na maayos ang mga pampublikong sasakyan sa bansa sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Mula sa Marawi City, ang pangulo ay kasalukuyang nasa Camarines Sur para sa federalism caravan.

TAGS: camarines sur, CPP, jeepney modernization, NPA, PISTON, camarines sur, CPP, jeepney modernization, NPA, PISTON

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.