P107 Million na welcome gift ni Faeldon kinumpirma ni Lapeña

By Den Macaranas October 17, 2017 - 04:56 PM

Ibinunyag ni Sen. Ping Lacson na hindi P100 Million kundi P107 Million ang tinanggap ni dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon bilang “welcome gift” sa kanyang pag-upo sa BOC.

Sinabi ni Lacson na mismong ang bagong talagang pinuno ng BOC na si Commissioner Isidro Lapeña ang nagbigay ng nasabing impormasyon.

Sa kanyang paliwanag, sinabi ng mambabatas na personal na nagpunta sa kanyang opisina si Lapeña bago pa man ang isinagawang pagdinig ng Senado para sabihin ang nasabing rebelasyon.

Inamin rin umano ni Faeldon kay Lapeña na lumagda ito ng ilang Tax Credit Certificates (TCCs) bilang kapalit na pabor sa welcome gift na kanyang tinanggap.

Ang nasabing mga TCCs ayon kay Lacson ay inisyu sa ilang mga malalaking kumpanya na kung susumain ay aabot sa bilyong piso ang halaga.

Nauna nang hinamon ni Faeldon si Lacson at ang kanyang mga kritiko na maglabas ng patunay para patotohanan ang mga alegasyon na tumatanggap siya ng “tara” o suhol sa loob ng Bureau of Customs.

TAGS: customs, Faeldon, lacson, paena, tara, welcome gift, customs, Faeldon, lacson, paena, tara, welcome gift

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.