AFP: Mga natitirang terorista hindi makalalabas ng buhay sa Marawi City
Magpapatuloy pa rin ang paglaban ng mga sundalo laban sa mga terorista sa Marawi City.
Ito’y kahit pa idineklara na ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘liberated’ o malaya na ang lungsod na mahigit apat na buwang naipit sa giyera.
Ayon kay Maj. Gen. Restituto Padilla, tagapag-salita ng AFP, ang announcement ng pangulo ay nangangahulugan lamang na magsisimula na ang rehabilitation efforts ng pamahalaan sa lungsod ngunit magpapatuloy pa rin ang laban ng mga tropa ng pamahalaan kontra sa 20 hanggang 30 terorista na nasa loob ng 2-hektaryang battle area.
Ayon kay Padilla, mayroon pa ring tinatayang nasa 20 bihag ang teroristang grupo na kailangan nilang mailigtas.
Paliwanag ni Padilla, malayo rin umano ang lugar sa lungsod kung saan nagtatago ang mga natitirang mga terorista at maari nang simulan ang rehabilitasyon.
Ayon pa kay Padilla, wala nang paraan para makalabas pa nang buhay ang mga natitirang terorista sa Marawi City.
Nag-ugat ang deklarasyon ng pangulo isang araw matapos mapatay ang dalawang teroristang lider na sinaOmar Maute at Isnilon Hapilon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.