Malaysian national na financier ng Maute group na nasa bansa pa ayon sa AFP
Naniniwala ang Armed Forces of the Philippines na nasa Marawi City pa rin ang Malaysian terrorist na si Dr. Mahmud Ahmad.
Ayon kay Major Gen. Restituto Padilla, tagapagsalita ng AFP, posibleng kasama ni Ahmad ang anim hanggang walong foreign terrorists sa Marawi City bukod pa sa hindi bababa sa 20 local terrorists na nasa main battle area.
Ayon kay Padilla, si Ahmad ay isa sa nagbigay ng pera para pondohan ang paghahasik ng kaguluhan.
sa Marawi City.
Nangako naman ang AFP na gagawin ang lahat ng kanilang makakaya para tuluyan nang mahuli o mapatay ang nasabing mga terorista.
Umapela rin si Padilla sa publiko na maging mapagmatyag at kung may nalalamang impormasyon
ay ipagbigay-alam kaagad sa kinauukulan upang makatulong sa paghuli sa mga natitirang terorista na kabilang sa mga sumalakay sa lungsod.
Kanina ay idineklara na ng pangulo ang liberation ng Marawi City mula sa mga kamay ng Maute group pero nagpapatuloy pa rin ang bakbakan sa ilang mga lugar doon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.