Pinag-iingat ng Malakanyang ang mga lider ng Simbahang Katolika sa pagbatikos sa kampanya ni Pangulong Rodrigo Duterte kontra sa illegal na droga.
Pahayag ito ng Malakanyang bilang tugon sa Pulse Asia Survey na 58 percent ng respondents ay nagsabing mas maiging may partisipasyon o tulong mula sa simbahan para sa drug rehab ng mga drug addict.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella mas mabuting maging pro-active na lang ang simbahan partikular sa 2nd phase ng anti-drug campaign ng gobyerno na rehabilitasyon sa mga drug dependents.
Kung tutuusin sinabi ni Abella na mismong ang simbahan ay mayroong pagkakahati hati sa loob ng kanilang hanay
Malaki aniya ang papel ng simbahan lalo na sa aspeto ng spiritual restoration na kabilang sa programa para sa rehabilitasyon ng dating lulong sa droga.