Mga dayuhang terorista posibleng nag-take over bilang lider ng ISIS-inspired Maute Group sa Marawi

By Dona Dominguez-Cargullo October 17, 2017 - 09:16 AM

Walo pang dayuhang terorista ang nasa main battlefield area sa Marawi City.

Ayon kay Joint Task Force Ranao Deputy Commander Col. Romeo Brawner, posibleng ang mga dayuhang teroristang ito ang nag-take over bilang lider ng ISIS-inspired Maute Group matapos mapatay sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.

Sinabi ni Brawner na ang kanilang mga susunod na hakbang ngayong araw na ito ay sesentro sa pagtugis sa nalalabi pang mga miyembro ng grupo.

Nasa 18 hanggang 20 pa ang nalalabing bihag ng mga terorista sa Marawi.

Ani Brawner, malaking dagok sa grupo ang pagkamatay nina Hapilon at Maute kaya nalalapit nang matapos ang bakbakan sa lungsod.

 

 

 

 

 

 

TAGS: Isnilon Hapilon, Marawi City, omar maute, Isnilon Hapilon, Marawi City, omar maute

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.