Lalaki, pinagsasaksak ng biyenan matapos mag-away dahil sa charger sa Quezon City

Sugatan ang isang lalaki matapos itong pagsasaksakin ng kanyang biyenan sa Bagong Silang, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Ricardo Tan, 51 taong gulang at residente ng Sitio Veterans sa Barangay Bagong Silang, at ang suspek naman ay si Teodolo Cerro, pitumput apat na taong gulang at residente rin sa lugar.

Ayon kay PO2 Frederick Silos, bandang alas onse ng gabi ng Lunes ay pinagtalunan ng dalawa ang isang charger na naiwang nakasaksak sa kanilang bahay.

Upang hindi na lumaki pa ang gulo, lumayo si Tan mula kay Cerro. Maya-maya na lamang ay nilapitan na ni Cerro si Tan at inundayan ito ng saksak.

Kaagad namang naisugod sa ospital ang biktima, kung saan ito ay nasa maayos nang kalagayan.

Hindi pa nahuhuli ng mga pulis si Cerro.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...