Manila City Jail hinalughog, mga kontrabando at pornographic materials nasamsam

By Ricky Brozas October 17, 2017 - 07:45 AM

Nagsagawa ng Oplan Greyhound ang pamunuan ng Manila City Jail kasunod ng report na may nagaganap na illegal na aktibidad sa loob ng piitan.

Ayon kay Jail Senior Inspector Jay Rex Joseph Bustinera, ang tagapagsalita ng MCJ, ginawa nila ang “Oplan Linis Piitan” alinsunod sa kautusan ng bagong talagang si General Deogracias Tapayan bilang pinuno ng Bureau of Jail Management and Penology.

Ayon kay Bustinera, tinanggal nila ang mga kubol sa loob ng piitan at pinaghahalughog ang bawat selda kung saan nila nasamsam ang mga bote ng alak, mga CD na naglalaman ng pornographic materials, bingo cards, deadly weapons at mga drug paraphernalia.

Ang hindi lamang sinira ay ang kuwarto para sa conjugal visit ngunit sinabi ni Bustinera na habang may “Oplan Linis” ay bawal muna ang pagbisita sa mga preso habang isinagawa ang paghahalughog.

Nabatid na congested ngayon ang MCJ na may kapasidad 1,100 na preso o isa bawat detinido sa 4 .7 metro kuwadrado (4.7 sq meters) ngunit ngayon ay mayroon ng 5,565 na inmates.

Samantala tiniyak ni Bustinera na iimbestigahan kung paano nakapasok sa loob ng selda ang mga bote ng alak, bingo cards, patalim at mga gamit sa paghitit ng bawal na droga.

Sinabi ni Bustinera na pananagutin ang sinumang mapatutunayan na kasabwat ng mga preso sa pagpapasok ng mga ipinagbabawal na gamit.

Katuwang ng BJMP sa pagsasagawa ng Oplan Greyhound ang mga operatiba ng Manila PoliceDistrict (MPD).

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Manila City Jail, Oplan Greyhound, Manila City Jail, Oplan Greyhound

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.