Ikalawang araw ng tigil-pasada ng PISTON, umarangkada na

By Dona Dominguez-Cargullo October 17, 2017 - 06:48 AM

Kuha ni Isa Umali

Umarangkada na ang ikalawang araw ng tigil-pasada ng transport group na PISTON.

Sa Monumento sa Caloocan, maagang dumating mga tsuper at operator na miyembro ng PISTON para magsagawa ng protesta.

Bitbit ang mga streamer na may nakasulat na “Jeepney Phaseout: Masaker sa kabuhayan ng mga driver at operator”, nagtipon-tipon sila sa monumento at hindi muna namasada.

Samantala, sa monitoring ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mayroong nasa humigit-kumulang 20 katao na nagsasagawa ng protesta sa bahagi ng Commonwealth – Philcoa westbound.

Sa Aurora Boulevard, sa Cubao Quezon City, may mga tsuper na rin na nagsasagawa ng protesta.

Sa Maynila, tuloy pa ang biyahe ng mga pampasaherong jeep, partikular ang mga may rutang, Divisoria, T.M. Kalaw, Padre Faura at Pedro Gil.

 


 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Radyo Inquirer, tigil pasada, transport strike, Radyo Inquirer, tigil pasada, transport strike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.