Bagyong Paolo, lalakas pa at magiging isang Typhoon ayon sa PAGASA

By Dona Dominguez-Cargullo October 17, 2017 - 06:20 AM

Bahagyang lumakas ang bagyong Paolo na huling namataan ng PAGASA sa 885 kilometers East ng Guiuan, Eastern Samar.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 85 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 105 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 13 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.

Ayon sa PAGASA, bagaman hindi inaasahang tatama sa kalupaan ang tropical storm Paolo ay lalakas pa ito at magiging isang typhoon sa susunod na 24 na oras.

Sa ngayon wala pa namang direktang epekto ang bagyong Paolo sa bansa.

Samantala, maliban sa nasabing bagyo, isang Low Pressure Area (LPA) pa ang binabantayan ng PAGASA na nasa 165 kilometers West ng Coron Palawan.

Dahil sa nasabing LPA na nakapaloob sa ITCZ, makararanas ng kalat-kalat na pag-ulan at thunderstorms ang Visayas, Mindanao, Bicol Region at ang lalawigan ng Palawan.

Habang ang Metro Manila at nalalabing bahagi ng Luzon ay makararanas ng isolated na mga pag-ulan sa hapon o gabi dahil sa localized thunderstorms.

 

 

 

 

 

TAGS: Pagasa, Paolo, weather update, Pagasa, Paolo, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.