Pagtalaga ni Duterte sa PDEA sa drug war, ikinatuwa ng CHR

By Kabie Aenlle October 17, 2017 - 12:39 AM

 

Suportado ng Commission on Human Rights (CHR) ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa mga kamay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang war on drugs ng pamahalaan.

Ayon kay CHR spokesperson Jacqueline Ann de Guia, umaasa silang mananaig ngayon ang professionalism sa pagpapatupad ng PDEA sa Comprehensive Dangeroud Drugs Act, at na gagawin ito nang may mahigpit na pagsunod sa batas.

Matatandaang inalis na ni Pangulong Duterte sa frontline ng drug war ang Philippine National Police (PNP) at ibinalik na niya ang anti-drugs operations sa PDEA.

Ani De Guia, ito ay isang indikasyon na handa ang administrasyon na makinig sa isinisigaw ng publiko kaugnay ng pagsunod sa due process sa kampanya nito laban sa iligal na droga.

Umaasa rin sila na mas magkakaroon ng pakikipagtulungan sa pagitan ng PDEA at ng CHR upang makabuo ng stratehiyang mas may respeto sa buhay at dignidad ng tao.

Naniniwala rin ang CHR na dahil dito, mas mapatutuunan ng pansin ng PNP ang pagresolba sa mga ordinaryong krimen, pati na ang vigilante killings at ang mga sinasabing extrajudicial killings sa kanilang mga operasyon.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.