Drug lords at narcopoliticians, target ng PDEA sa bagong drug war-Palasyo

By Kabie Aenlle October 17, 2017 - 02:43 AM

 

Ipinahayag ng Malacañang na ngayong nailagay na muli sa frontline ng war on drugs ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), maiiba na ang magiging focus nito.

Ayon kay Presidential Spokesperson Ernesto Abella, mas pagtutuunan ng pansin ngayon ng PDEA na maaresto ang mga drug lords at mga narcopoliticians o mga pulitikong nagpo-protekta at may kaugnayan sa mga kalakalan ng iligal na droga.

Maliban dito, target din ng PDEA na masabat ang mga iniaangkat at maging ang mga gawang lokal na droga sa bansa.

Makikipagtulungan din ang ahensya sa mga local government units, sa Simbahan, sa civil society at mga community groups para naman maagapan at ma-rehabilitate ang mga naaadik sa droga.

Umaasa ang Palasyo na ang bagong bihis ng kampanya kontra droga ay makakaani ng mas malawak na suporta habang nareresolbahan din ang ikinababahala ng publiko na hindi makatarungang pagkamatay ng mga suspek.

Sa pinakahulign Pulse Asia survey kasi ay lumabas na 73 percent ng mga Pilipino ang naniniwalang may extrajudicial killings sa pagpapairal ng drug war.

Gayunman, iginiit ni Abella na nauunawaan nila ang reaksyon ng mga tao dahil sa pinaigting na media coverage tungkol sa pagkamatay ng mga kabataan sa Caloocan City noong panahong isinagawa ang survey.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.