Nalalabing miyembro ng Maute terror group, itinuturing na ‘straggler’ na lamang

By Jay Dones October 17, 2017 - 03:08 AM

 

Mula kay Chona Yu

Tinatayang nasa 30 na lamang ang tinutugis na miyembro ng Maute terror group na nananatili sa Marawi City.

Ayon kay AFP Chief of Staff General Eduardo Año, kanilang inaasahang mabilis na lamang ang panahon at tuluyan nang matatapos ang kaguluhan sa Marawi City na idinulot ng teroristang grupo.

Sa kasalukuyan, itinuturing na lamang nila aniyang mga ‘stragglers’ ang nalalabing miyembro ng Maute.

Ito ay dahil wala nang lider ang grupo matapos mapatay sina Isnilon Hapilon na sinasabing ‘emir’ ng ISIS sa ASya at Omar Maute sa military operation kahapon.

Sa ngayon, patuloy ang pagtugis ng militar sa nalalabi pang miyembro ng grupo kabilang na si Dr. Mahmoud Ahmad.

Si Mahmoud ang sinasabing financier ng Maute group at sinasabing ikalawang itinuturing na lider ng ISIS sa Southeast Asia.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.