Indonesian goalkeeper, patay sa tindi ng banggaan sa gitna ng laro

By Jay Dones October 17, 2017 - 02:17 AM

 

Nasawi ang goalkeeper ng isang Indonesian football team matapos nitong makabanggaan ang kapwa nito team-mate sa kalagitnaan ng kanilang laro.

Bigla na lamang nag-collapse ang goalkeeper na si Choirul Huda, 38-anyos sa field ilang segundo makaraan mabangga ng kanyang kasamang midfielder na si Ramon Rodriguez.

Batay sa video footage ng laro, sasaluhin sana ni Huda ang bola bago ito pumasok sa goal nang aksidente itong masalubong ang kanyang team mate na si Rodriguez.

Kapwa bumagsak ang dalawa matapos ang kanilang salpukan.

Sinikap pang tumayo ni Huda ngunit bigla nitong hinawakan ang kanyang dibdib hanggang sa tuluyang bumagsak.

Agad na isinugod sa ospital ang goalkeeper ngunit hindi na ito nagawa pang i-revive ng mga doktor.

Hinihinalang dahil sa tindi ng impact ng salpukan ng dalawa, biglang huminto sa pagtibok ang puso ng manlalaro na siyang ikinamatay nito.

Libu-libong mga fans ni Huda ang naghatid ng pakikiramay sa biglaang pagpanaw ng atleta.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.