Trump, palalakasin ang ugnayan sa mga bansa sa Asya sa gitna ng North Korea tension

 

Makikipagkita si US President Donald Trump sa ilang mga lider sa Asya kabilang na si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pabisita sa buwan ng Nobyembre sa Asya.

Bagama’t maraming mga kasunduan sa pangangalakal ang mabubuo sa kanyang Asian visit, inaasahang malaking bahagi ng pagbisita ni Trump ay ang paigtingin ang ugnayan sa mga bansa kontra sa agresibong hakbang ng North Korea sa kasalukuyan.

Kabilang sa tutunguhing bansa ni Trump ang mga bansang Japan, South Korea, China, Vietnam at Pilipinas, kung saan nakatakda itong dumalo sa ASEAN Summit.

Bukod sa pagdalo sa ASEAN Summit, makikipagkita rin si Trump kay Pangulong Duterte.

Matatandaang noong unang mga buwan ng pangulo sa puwesto, malimit nitong binabatikos si dating US President Barack Obama.

Gayunman, sa pagpasok ng Trump administration, inihayag ng pangulo na handa na itong makipagkaibigan sa Amerika.

Read more...