Nasawi ang isang driver ng Department of Environment and Natural Resources sa Autonomous Region in Muslim Mindanao (DENR-ARMM), habang sugatan naman ang dalawang iba pa sa pamamaril sa Cotabato City.
Kinilala ang nasawi na si Abdulgani Guiama na residente ng Barangay Tamontaka 1 sa Cotabato City, habang ang mga nasugatan naman ay sina Manuel Capin na isang supply officer ng DENR-ARMM at Pablo Amador na isang minero at bisita lamang sa opisina.
Ayon kay Cotabato City police director Senior Supt. Rolly Octavio, binabagtas ng mga biktima ang Ramon Rabago Sr. Avenue sakay ng isang van pasado alas-3:00 ng hapon ng Lunes nang bigla silang paputukan ng dalawang lalaking riding-in-tandem.
Naisugod naman ng mga rumespondeng pulis ang mga biktima sa Cotabato Regional and Medical Center.
Gayunman, sa kasamaang palad ay idineklarang dead on arrival na si Guiama.
Napag-alaman din na si Guiama ay kaanak ni DENR-ARMM Regional Sec. Kahal Kedtag.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng mga pulis, upang alamin ang motibo sa pamamaril at ang pagkakakilanlan ng mga suspek.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.