Pagbagsak ng Abu Sayyaf at Maute group asahan na ayon kay Biazon
Naniniwala si House Committee on National Defense Senior Vice Chair Ruffy Biazon mahihirapan na ang Maute Terror group sa kanilang paglaban sa tropa ng pamahalaan kasunod ng pagkamatay nina Isnilon Hapilon at Omar Maute.
Ito ayon kay Biazon ay dahil sa wala na ang nagbibigay ng mga strategic decision sa mga terorista.
Malaking advantage din ayon kay Biazon para sa militar ang pagkamatay ng dalawa upang mapuksa ang mga nalalabi pang terorista dahil magkakaroon ng leadership vacuum ang Maute.
Iginiit ng mambabatas na dapat itong samantalahin ng pamahalaan dahil maaring pansamantala lamang ito sapagkat maaring mayroon kaagad na pumalit sa dalawang napaslang na lider.
Maliban na lamang anya ito kung mapapatay na rin ang mga potential leader ng mga terorista o sapat ang ibigay na pressure ng militar upang mapigilan ang mga ito na mag reorganized.
Kaugnay nito, pinapurihan naman ng mambabatas ang militar sa kanilang accomplishment sa pagkakapatay kina Hapilon sa Maute dahil sensyales anya ito na malapit ng makamit ang kapayapaan sa Marawi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.