Ayon kay Brig. Gen. Restituto Padilla, $5 Million ang itinakdang reward para kay Isnilon Hapilon, habang P10 Million naman ang patong sa ulo ni Omar Maute.
Ayon kay Padilla, hindi iniisip ng Sandatahang Lakas ang makukuhang pabuya, kundi ginawa lamang ng mga sundalo ang kanilang trabaho upang mailigtas ang mga hostages.
Hindi pa rin umano alam ni Padilla kung dapat bang ibigay sa mga sundalong nakapatay kanila Maute at Hapilon ang reward, sa mga pulis, o sa taong nakapagturo kung saan nagtago ang mga terorista.
Ayon pa kay Padilla, hinihintay pa rin nila ang resulta ng DNA test sa bangkay nina Maute at Hapilon na magku-kumpirma sa identity ng dalawang lider na terorista.
Sina Hapilon at Maute ay napatay makaraan ang isinagawang pagsalakay ng mga tauhan ng Scout Rangers ng Philippine Army sa natitira nilang mga lugar sa loob ng Marawi City.