Visa-free entry ng mga Pinoy sa Taiwan aprubado na

By Rohanissa Abbas October 16, 2017 - 04:31 PM

Inquirer photo

Maaari nang bumisita sa Taiwan ang mga Pilipino nang walang visa simula November 1.

Ayon sa Taipei Economic and Cultural Office (TECO), hindi na kinakailangan ng visa ng mga Pilipino na mananatili sa Taiwan hanggang 14 na araw para sa turismo, negosyo, pagbisita sa mga kamag-anak o pagdalo sa ilang mga events.

Magtatagal ang trial-period para sa prebilehiyong ito hanggang July 31, 2018.

Ipinahayag ni Gary Song-Huann Lin, kinatawan ng Taiwan sa Pilipinas, na layunin nitong mapaigting ang ugnayan ng Pilipinas at Taiwan.

TAGS: filipino, Taiwan, TECO, visa-free, filipino, Taiwan, TECO, visa-free

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.