Alok na proteksyon sa hazing suspect na si Ralph Trangia hindi pa binabawi ng DOJ

Halos isang linggo matapos makabalik ng bansa mula sa U.S, tikom pa rin ang bibig ng suspek sa pagkamatay ni Horacio Castillo III na si Ralph Trangia.

Ayon kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre III, hindi pa tumutugon si Trangia sa alok ng DOJ na isailalim siya sa Witness Protection Program.

Nilinaw ni Aguirre na mananatili pa rin ang naturang alok ng ahensya hangga’t wala pang tugon si Trangia ukol dito.

Una nanag sinabi ni Aguirre na maaaring maging “potential witness” si Trangia sa kaso ni Atio Castillo, depende sa kung ano ang ibubunyag nito sa mga imbestigador.

Hinimok din ni Aguirre si Trangia at ang kanyang pamilya na makipagtulungan at sabihin ang totoo at nalalaman kaugnay sa pagkamatay ni Castillo dahil sa hazing.

Ngayon ay nahaharap sa mga kaso sa DOJ si Trangia at ang kanyang ina na si Rosemarie kaugnay pa rin sa pagkamatay ni Atio.

Read more...