PNP nakahandang ibalik ang Oplan Tokhang

By Cyrille Cupino October 16, 2017 - 03:26 PM

Radyo Inquirer

Handang irekomenda ni Philippine National Police Chief Dir. Gen. Ronald ‘Bato’ kay Pangulong Rodrigo Duterte na ibalik sa PNP ang paghawak sa mga operasyon kontra-droga.

Ito’y kung sakaling bumalik na naman sa normal o lalo pang lumala ang problema ng droga sa bansa.

Ayon kay Dela Rosa, gagawin niya ang hakbang sakaling manumbalik na naman sa kalsada ang bentahan ng iligal na droga.

Ibinida rin ni Dela Rosa na maayos namang nagampanan ng Philippine National Police ang kanilang tungkulin sa paglaban sa droga sa loob ng mahigit isang taon.

Paliwanag pa ni Dela Rosa, handa naman ang PNP na bigyang suporta ang Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA para matuldukan na ang problema ng bansa sa iligal na droga.

Noong nakalipas na linggo ay naglabas ng memorandum ang pangulo kung saan ay kanyang sinabi na tanging ang PDEA lamang ang siyang may ekslusibong mandato para sa war on drugs ng gobyerno.

TAGS: de la rosa, Oplan Tokhang, PNP, War on drugs, de la rosa, Oplan Tokhang, PNP, War on drugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.