Martial Law sa Mindanao, hindi pa babawiin kahit patay na sina Hapilon at Omar Maute
Hindi pa babawiin ng pamahalaan ang ipinatutupad na Martial Law sa buong Mindanao.
Ito’y kahit napatay na ng mga tropa ng militar ang dalawang lider ng Maute group na sina Isnilon Hapilon at Omar Maute.
Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, mas tinitignan ngayon ng pamahalaan ang ‘aftermath’ ng nagpapatuloy pang giyera sa Marawi City.
Matapos umano ang kanilang magiging assessment, saka pa lamang nila malalaman kung dapat nang bawiin ang ipinatutupad na Martial Law.
Ipinauubaya na rin umano niya kay Pang. Duterte ang desisyon kung babawiin o ipagpapatuloy pa rin ang Martial Law sa Mindanao.
Matatandaang May 23, 2017, o mahigit apat na buwan na ang nakalipas mula nang magdeklara ng Martial Law si Pang. Rodrigo Duterte sa buong Mindanao, kasunod ng pag-atake ng teroristang Maute group sa Marawi City.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.