Tigil-pasada, mapayapa ayon NCRPO

By Isa Avendaño-Umali October 16, 2017 - 11:59 AM

Kuha ni Isa Umali

Mapayapa ang unang araw ng tigil-pasada ng Piston ngayong Lunes (October 16).

Iyan ang inisyal na assessment ni National Capital Region Police Office o NCRPO chief Oscar Albayalde.

Batay aniya sa mga nakuha niyang report, walang halos sumama sa transport strike ng Piston, maliban sa mga militanteng grupo gaya ng BayanMuna, Gabriela, Kilusang Mayo Uno, Courage at iba pa na nagsagawa ng protesta.

Dagdag ni Albayalde, wala rin gaanong naapektuhang pasahero, dahil mas maraming jeepney groups ang hindi lumahok sa tigil-pasada.

Pero nakakadismaya aniya na pinipilit daw ng Piston ang iba pang mga jeepney drivers na makiisa sa strike.

Umaasa si Albayalde na magtutuloy-tuloy hanggang bukas ang aniya’y peaceful strike.

Kanina sa Aurora Boulevard sa Cubao ay kakaunti ang raliyista, pero nakatikim ng sermon mula kay Albayalde ang mga ito at kahit ang mga pulis.

Nag-ikot din si Albayalde sa iba pang lugar gaya sa Welcome Rotonda at Philcoa.

Sa panig naman ni LTFRB Board Member Aileen Lizada, napakaliit ng porsyento ng naparalisang biyahe, at sa katunayan ay hindi ramdam ang tigil-pasada.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.