Pasahe sa jeep, hindi tataas sakaling maipatupad ang jeepney modernization program ayon sa LTFRB

By Mariel Cruz October 16, 2017 - 11:55 AM

Tiniyak ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa publiko na hindi maaapektuhan ang pasaher sa jeep kapang naipatupad na ang jeepney modernization program.

Tugon ito ng ahensya sa pahayag ni PISTON national president George San Mateo na posibleng tumaas ng hanggang sa P20 ang pamasahe sa jeep kapag natuloy ang jeepney modernization program.

Sa isang panayam, sinabi ni LTFRB chairman Martin Delgra na hindi aabot sa P15 ang pasahe sa jeep sa Metro Manila batay sa isinagawang study ng Department of Transportation sakaling ipatupad na ang naturang programa.

Sinabi ni Delgra na nakabatay sa kasalukuyang pasahe na P8 ang ginawa nilang pag-aaral, at hindi sa P20 o P15 minimum fare.

Sa ngayon aniya ay hindi pa nila iniisip ang pagdadagdag ng pamasahero pero kung magkakaroon ay maliit lamang ito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.