Iloilo International Airport, sarado pa din
Mananatiling sarado hanggang ngayong tanghali ang Iloilo International Airport.
Ito ay sa kabila nang pagkakaalis na sa runway ng eroplano ng Cebu Pacific na nasangkot sa isang insidente paglapag nito sa nasabing paliparan.
Ayon kay Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) spokesman Eric Apolonio, sakali aniyang mailipat na sa remote parking area ang naturang eroplano, kailangan pa ng isa hanggang dalawang oras para naman sa clearing operations.
Tiniyak ni Apolonio na kapag naayos na ang runway ay babalik na sa normal ang operasyon ng Iloilo Airport.
Alas onse ng umaga nang mahila ang eroplano papalayo sa runway,.
Dahil pa nananatili pa rin sarado ang paliparan, ilan sa mga naka-schedule na biyahe patungong Iloilo ay inilipat sa Roxas City.
Kabilang sa mga kanseladong biyahe ang mga sumusunod:
- 5J 451/452 Manila-Iloilo-Manila
- 5J 348/347 Davao-Iloilo-Davao
- DG 6408/6409 Cebu-Iloilo-Cebu
Para ma-accommodate ang mga apektadong pasahero, nagdagdag ng flights ang Cebu Pacific at kabilang dito ang 5J 357 Manila to Roxas at 5J 358 Roxas to Manila.
Na-reschedule naman ang mga sumusunod na flight:
- 5J 261 Iloilo-Puerto Princesa
- 5J 262 Puerto Princesa-Iloilo
- 5J 457 Manila-Iloilo
- 5J 458 Iloilo-Manila
- 5J 462 Iloilo-Manila
Noong Biyernes, napilitang isara ang nasabing paliparan at kanselahin ang mga biyahe dahil dumausdos ang flight 5J 461 ng Cebu Pacific sa gilid ng runway.
Ang mga customer care agent ng Cebu Pacific ay nakipag-ugnayan na sa mga apektadong pasahero para abisuhan sila sa bagong schedule.
Makatatanggap din sila ng free round-trip travel voucher.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.