Isnilon Hapilon at Omar Maute, patay na

By Cyrille Cupino, Dona Dominguez-Cargullo October 16, 2017 - 10:38 AM

Kinumpirma ni Department of National Defense (DND) Sec. Delfin Lorenzana na napatay na ang dalawang namumuno sa paghahasik ng terorismo sa Marawi City na sina Isnilon Hapilon at Omarkhayam Maute.

Ayon kay Lorenzana, nasawi ang dalawang lider Lunes ng umaga sa isinagawang operasyon ng militar.

Nagpapatuloy naman ang operasyon ng militar sa iba pang personalidad gaya na lamang ni Malaysian Dr. Mahmoud.

Nasa 22 pa rin ang hawak na bihag ng Maute.

Dahil sa nasabing development, matatapos na sa lalong madaling panahon ang problema sa Marawi.

Gayunman, patuloy pa itong kinukumpirma kaya hindi pa sila makapaglalabas ng opisyal na statement tungkol dito.

“We have received field reports stating that Isnilon Hapilon and Omarkhayam Maute are dead. But we cannot issue any official statement yet pending the confirmation of such report. We will issue appropriate statements related to this soon. Meantime, our units in the frontline are continuing with their offensives to neutralize the remaining terrorists and rescue their hostages to end the crisis in Marawi,” ayon kay Arevalo.

Kumalat na rin ang larawan ng wala nang buhay na si Hapilon.

TAGS: Isnilon Hapilon, Marawi City, omar maute, Radyo Inquirer, Isnilon Hapilon, Marawi City, omar maute, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.