Subscribers nakaranas ng problema sa signal ng Globe; hindi makapag-text at makatawag
Nagkaproblema ang mga subscriber ng Globe sa signal ng kanilang mobile phones Lunes ng umaga.
Ayon sa mga subscriber na nagpadala ng kanilang mensahe sa Twitter account ng Globe, hindi sila makatawag, makapag-text at makapag-internet.
Bagaman mayroong lumalabas na notice na sila na may signal naman ang kanilang mobile phones ay hindi nila ito magamit.
Sa statement sinabi ni Globe Senior Vice President for Corporate Communications Yoly Crisanto na nagkaroon ng ’emergency operations’ sa kanilang database servers.
Nagdulot umano ito ng problema sa kanilang call, SMS at data services.
Hindi naman tinukoy ng Globe kung saan-saang mga lugar naranasan ang problema.
Tiniyak naman ng Globe na ginawan nila ng paraan upang agad maisaayos ang problema sa signal.
Humingi rin ng paumanhin ang Globe sa mga apektadong subscribers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.