Mga pasahero hindi naramdaman ang epekto ng tigil-pasada ng PISTON sa Cebu
Nagsagawa rin ng tigil-pasada ang PISTON sa lalawigan ng Cebu.
Sa Cebu City, sa halip na bumiyahe ay nagtipon-tipon ang mga driver sa bahagi ng Osmeña Boulevard kanto ng P. Del Rosario Street.
Nagsagawa sila ng kilos protesta para ihayag ang pagtutol nila sa jeepney phase-out.
Samantala sa Mandaue City naman, nag-deploy ng mga government vehicle ang lokal na pamahalaan para tumulong sa mga maaapektuhang pasahero.
Maliban sa mga miyembro ng PISTON-Cebu, nakilahok din sa protesta ang mga miyembro ng Kilusang Magbubukid ng Pilipinas.
Wala namang malaking epekto sa mga pasahero sa lalawigan ang tigil pasada ng PISTON.
Ayon kay Cebu City Transportation (CCTO) operations chief, Francisco Ouano, malaking bagay ang pagsuspinde sa pasok sa gobyerno at mga klase.
Maliban dito, 90 percent din ng mga pampasaherong jeep sa Cebu City ay nagpasya na mamasada pa rin.
Karamihan sa mga tsuper na lumahok sa tigil-pasada sa lungsod ay ang may mga rutang Bulacao, Mabolo at Englis.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.