WATCH: Sasakyan ni Senior Citizen Party list Rep. Francisco Datol, naharang sa checkpoint ng PNP-HPG

By Isa Avendaño-Umali October 16, 2017 - 07:54 AM

Kuha ni Isa Umali

Kabilang ang sasakyan ng isang kongresista sa mga naharang ng PNP-Highway Patrol Group o HPG sa isinagawa nitong One-Time, Big-Time Operation sa bahagi ng Quezon Avenue, Quezon City, umaga ng Lunes (October 16).

Ito ay bahagi ng Oplan: Disiplanado ng PNP-HPG, na layong masawata ang mga pang-aabuso sa kalsada.

Ang sasakyan ni Senior Citizen PL Rep. Francisco Datol ay hinarang dahil sa plaka nitong “8” na ipinagbabawal na.

Ngunit ayon kay PNP-HPG Director Arnel Escobal, ang plakang “8” ay hindi pala mismo galing sa Land Transportation Office o LTO, batay sa uri ng materyales ng plaka.

Maliban sa sasakyan ni Datol, hindi bababa sa sampung sasakyan ang na-apprehend gaya ng mga motorsiklo at mga pribadong kotse.

Ang mga ito ay mayroon sirena, blinkers, excess gadgets, led lights at stickers ng gobyerno na ipinagbabawal, batay sa Presidential Decree 96 o unaunthorize use of blinkers, sirens at iba pang kahalintulad.

Ngayon, kinumpiska muna ang mga ipinagbabawal na gamit.

Pero kapag naulit, hindi bababa sa isang libong piso ang multa o kulong na hanggang anim na buwan ang maaaring kaharapin.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

TAGS: Oplan Disiplinado, pnp-hpg, Radyo Inquirer, Senior Citizen PL Rep. Francisco Datol, Oplan Disiplinado, pnp-hpg, Radyo Inquirer, Senior Citizen PL Rep. Francisco Datol

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.