CBCP: Hindi namin nais patalsikin si Duterte

By Kabie Aenlle October 16, 2017 - 03:45 AM

 

Nilinaw ng Simbahang Katolika na hindi sila gumagawa ng anumang hakbang na naglalayong patalsikin si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ang naging pahayag ni Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) Public Affairs Committee executive secretary Fr. Jerome Secillano kaugnay ng mga akusasyong isa sila sa mga nasa likod ng destabilization plot laban sa administrasyon.

Ayon pa kay Secillano, ang isasagawa nilang “Lord Heal Our Land Sunday” sa November 5 na maghuhudyat sa isang buwang pananalangin ay para sa mga biktima ng extrajudicial killings, at hindi para mag-aklas laban sa gobyerno.

Aminado naman si Secillano na nakalulungkot na lahat na lang ng gagawin ng Simbahan, lalo na kung hindi naaayon sa mga programa ni Pangulong Rodrigo Duterte, ay agad nang minamasama.

Giit pa ng pari, suportado ng Simbahang Katolika ang administrasyon, ngunit hindi ang mga pagpatay sa ilalim ng war on drugs ng pamahalaan.

Matatandaang nagbanta kamakailan si Pangulong Duterte na magdedeklara siya ng rebolusyunaryong gobyerno kung hindi titigil ang mga destabilization plots ng kaniyang mga kritiko.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.