Mga jeepney driver sa Cebu, makikiisa sa rally pero papasada pa rin
Hindi bababa sa 200 na jeepney drivers rin na kasapi ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tusper at Operator Nationwide (PISTON) sa Metro Cebu ang hindi bibiyahe ngayong Lunes ng umaga.
Ito ay para rin makiisa sa isasagawang protesta sa Colon Street sa Cebu City laban sa jeepney modernization program.
Gayunman, hindi naman sila buong araw mawawala sa kalsada dahil pagdating ng ala-1:00 ng hapon ay magbabalik na sila sa pamamasada ayon kay PISTON-Cebu president Greg Perez.
Ayon pa kay Perez, magtitipon-tipon muna sa iba’t ibang lugar sa Cebu, Mandaue at Lapu-Lapu ang mga miyembro ng PISON pagdating ng alas-6:00 ng umaga, bago sabay-sabay na tutungo sa Colon Street kung saan gaganapin ang rally ng alas-10:00 ng umaga.
Nilinaw naman ni Perez na hindi nila layong paralisahin ang trapiko, kundi nais lang nilang iparinig ang kanilang mga hinaing tungkol sa jeepney modernization program.
Samantala, nasa 50 pulis naman ang ipakakalat ng Cebu police para panatilihin ang kapayapaan at kaayusan sa nasabing rally.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.