Halaga ng produktong petrolyo, bahagyang lamang ang magiging pag-galaw ngayong linggo
Magkakaroon ng bahagyang paggalaw sa presyo ng mga produktong petrolyo ngayong linggong ito.
Sa abiso ng Department of Energy, posibleng tumaas ng sampung sentimo ang presyo ng gasoline products sa mga susunod na araw.
Samantala, sa presyo naman ng diesel, magkakaroon ng P0.05 na pagbaba sa presyo kada litro samantalang bente sentimos naman ang inaaasahang ibababa sa presyo ng kerosene.
Ang paggalaw ng mga presyo ng produktong petrolyo ay resulta ng oil trading noong nakaraang linggo, ayon sa DOE.
Sa pinakahuling datos, pumapalo sa pagitan ng P31.15 hanggang P36 pesos ang presyo ng diesel sa bansa.
Samantalang ang gasoline naman ay naglalaro sa pagitan ng P40.55 hanggang P50.55 bawat litro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.