Mga sundalo, umaasang matatapos na ang Marawi siege

By Kabie Aenlle October 16, 2017 - 02:00 AM

 

Inquirer file photo

Umaasa ngayon ang mga militar na bagaman bigo silang masunod ang October 15 na deadline nila, ay mawakasan na nila ang bakbakan sa Marawi City sa lalong madaling panahon.

Ayon kay Task Force Ranao deputy commander Col. Romeo Brawner, kasunod ng kanilang pambobomba at malapitang pagsalakay sa mga terorista, lumiit na lang sa dalawang ektarya ang kanilang battle area.

Ginamitan muli ng FA-fighter jets ng mga sundalo ang pag-atake nila sa mga kalaban, araw ng Linggo, sa pagtatangkang tapusin na hanggang kahapon ang bakbakan.

Simula nang sumiklab ang gulo sa Marawi City, umabot na sa 822 na terorista, 162 naman mula sa hanay ng gobyerno at 47 na sibilyan ang nasawi.

Matatandaang itinakda ng mga pinuno ng militar ang deadline na October 15, kasunod ng anunsyo ni Pangulong Rodrigo Duterte na malapit nang matapos ang bakbakan.

Tiniyak naman ni Brawner na puspusan na ang kanilang mga ginagawang hakbang para matapos na ang gulo sa nasabing lungsod, lalo’t pinupwersa na ng Maute ang mga bata at kababaihan para lumaban na rin para sa kanila.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.