Si Flynt ang founder at publisher ng mga pornographic magazine na ‘Hustler’.
Sa isang full-page ad na inilabas ng porn publisher sa ‘The Washington Post’, inilahad nito na handa siyang magbayad ng naturang halaga para sa sinuman na makakahalukay ng ‘impormasyon’ laban sa pangulo ng Amerika.
Malaki aniya ang posibilidad na may mga impormasyong natatago sa likod ng mga negosyo ni Trump o sa mga top-secret tax returns o mga investments nito na maaaring maging ‘smoking gun’ laban dito.
Noong nakaraang taon rin, sa kasagsagan ng presidential campaign, naghamon rin si Flynt na handa siyang magbayad ng isang milyong dolyar sa sinumang makapaglalabas ng video o audio recording ni Trump na nasa ‘sexually demeaning manner’.
Dahil sa reward na ito ni Flynt, nabunyag ang isang video na nakuhanan noong 2005 kung saan nakuhanan si Trump na ipinagmamalaki ang pagiging malapit nito sa mga babae.