Suspek sa 2016 Davao City market bombing, sumuko

By Angellic Jordan October 15, 2017 - 11:50 PM

 

Kusang sumuko si Cotabato City Police Office ang isa sa mga suspek sa pagpapasabog sa night market sa Davao City, upang linisin ang kaniyang pangalan.

Tumungo sa opisina ni Cotabato City Police chief Senior Supt. Rolly Octavio ang suspek na si Mohammad Lalaog Chenikandiyil, ganap na 1:20 ng hapon ng Linggo.

Ayon kay Octavio, itinanggi ni Chenikandiyil alyas Boy, ang kaniyang pagkakasangkot sa pambobomba.

Aniya pa, kasama si Chenikandiyil sa Arrest Order No. 2 ng Department of National Defense (DND) na inilabas ni Sec. Delfin Lorenzana kasunod ng deklarasyon ng martial law sa Mindanao.

Sa ngayon ay naka-ditine na siya sa Criminal Investigation and Detection Group ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (CIDG-ARMM)

Isa si Chenikandiyil sa apat na suspek sa pambobomba na naaresto noong October 27, 2016 sa magkakahiwalay na raid na isinagawa ng CIDG-ARMM sa Cotabato City at sa Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao.

Kasama sa mga naaresto sina Zack Haron Villanueva Lopez, Jackson Mangulamas Usi at Ausan Abdullah Mamasapano, at sila ay ipinaubaya na sa Davao City Police.

Gayunman, nakalaya si Chenikandiyil matapos itong ipag-utos ng korte bilang pagtugon sa inihaing petition for writ of habeas corpus ng kaniyang misis.

Matatandaang 14 ang nasawi habang 50 iba pa ang nasugatan sa pagpapasabog na naganap noong September 2, 2016 sa night market sa Roxas Boulevard sa Davao City.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.