Papasok ang isang Low Pressure Area (LPA) sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas.
Ayon kay PAGASA forecaster Aldczar Aurelio, naitala ang lokasyon ng bagyo bandang 1,280 kilometers East ng Mindanao region.
Sa pagpasok ng bansa, sinabi din ni Aurelio na posible itong maging tropical cyclone at papangalang Paolo.
Sa 4pm weather bulletin ng weather bureau, inaasahang makakaranas ng masamang panahon ang bahagi ng Southern Luzon, Visayas at Mindanao na dulot ng Intertropical Convergence Zone (ICZ).
Maulap na papawirin naman at mahina hanggang sa katamtamang lakas ng ulan na may kasamang thunderstorms ang mararanasan sa Mindanao, Mimaropa at Western Visayas.
Samantala, pakana-kanang pag-ulan naman at maulap na kalangitan ang iiral sa Metro Manila at nalalabing bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.