Rep. Herrera-Dy, nilinaw na walang jeepney phaseout dahil sa PUV modernization program

By Justinne Punsalang October 15, 2017 - 06:53 PM

Nilinaw ni Bagong Henerasyon Partylist Rep. Bernadette Herrera-Dy na walang magaganap na jeepney phaseout dahil sa gagawing PUV modernization program ng pamahalaan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Dy na sa kanyang paniniwala, hindi alam ng publiko na ang tanging mga lumang unit ng jeep ang maapektuhan ng phaseout at hindi lahat ng mga jeep.

Ang pahayag ni Dy ay inilabas niya bago ang dalawang araw na nationwide strike na pangungunahan ng Pinagkaisang Samahan ng Tsuper at Operator Nationwide o PISTON.

Ang naturang strike ay isasagawa bilang pagtutol sa phaseout plan ng pamahalaan, kung saan kakailanganing bumili ng mas bago at mas mahal na model ng mga jeep ang mga operator.

Nauna naman nang sinabi ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na magkakaroon ng P80,000 subsidiya na na ibibigay sa nasa 28,000 na jeep sa ilalim ng PUV modernization program.

Layunin ng naturang programa na inilunsad ng Department of Transportation (DOTr) noong June na masiguradong nakapasa sa safety standards ang mga public utility vehicles.

TAGS: dotr, ltfrb, PUV modernization program, Rep. Bernadette Herrera-Dy, transport strike, dotr, ltfrb, PUV modernization program, Rep. Bernadette Herrera-Dy, transport strike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.