Bilang ng patay sa isang aksidente sa Mosque sa Saudi Arabia nasa 107 na

By Den Macaranas September 12, 2015 - 08:54 AM

In this image released by the Saudi Interior Ministry’s General Directorate of Civil Defense, Civil Defense personnel inspect the damage at the Grand Mosque in Mecca after a crane collapsed killing dozens, Friday, Sept. 11, 2015. The accident happened as pilgrims from around the world converged on the city, Islam's holiest site, for the annual Hajj pilgrimage, which takes place this month. (Saudi Interior Ministry General Directorate of Civil Defense via AP)
AP/Inquirer file photo

Umakyat na sa 107 ang patay samantalang 238 na iba pa ang sugatan makaraang bumagsak ang isang dambuhalang construction crane sa mismong loob ng Grand Mosque sa Jeddah Saudi Arabia.

Sa iniyal na report ng Saudi Interior Ministry, kasalukuyang ginaganap ang Maghrib prayers bilang paghahanda sa taunang Hajji pilgrimage nang biglang bumagsak ang crane na dumagaan sa maraming mga nagdadasal.

Sa bilis ng pangyayari ay hindi kaagad nakaresponde ang mga miyembro ng rescue team dahil sabay-sabay na naglabasan ng Mosque ang mga nabiglang pilgrims.

Sa September 21 ang simula ang taunang Islamic Pilgrimage kung saan ay dumadagsa sa Mecca at Medina ang mga tagasunod ng relihiyong islam bilang bahagi ng kanilang mandatory duty sa kanilang paniniwalang spiritual.

Sa panayam ng Associated Press, sinabi ni Mecca Region Governor Prince Khaleb al-Faisal na kasalukuyang bumubuhos ang malakas na pag-ulan na sinundan ng sand storm nang biglang bumagsak ang crane na ginagamit sa building construction sa tabi ng Mosque.

Halos hindi na makilala ang karamihan sa mga namatay dahil sa grabeng pinsala sa kani-kanilang mga katawan samantalang napuno naman ang mga kalapit na ospital sa dami ng mga sugatang dinala doon.

Sa report naman ng Department of Foreign Affairs, sinabi ni DFA Spokesman Charles Jose na wala silang impormasyon na nakukuha hanggang sa kasalukuyan na nagsasabing may pinoy na namatay o kaya’y nasaktan sa nasabing trahedya.

TAGS: DFA, hajj, mecca, saudi arabia, DFA, hajj, mecca, saudi arabia

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.