5 tripulante ng bangkang pangisda, binihag ng mga armadong lalaki sa Sulu

By Ricky Brozas October 15, 2017 - 02:07 PM

Dinukot ng mga armadong lalaki ang limang crew ng isang bangkang pangisda sa bayan ng Pangutaran sa lalawigan ng Sulu.

Kinilala ng Sulu Provincial Police ang mga biktima na sina Vergel Arquino, 25, mula sa Davao City; Joshua Ybañez, 23; Emo Fausto 63; Jonald Minalang, 24; at Sepriano Sardido, 53, na pawang mga residente ng Pagadian City.

Batay sa inisyal na imbestigasyon ng Pulisya, nabatid na naganap ang pagdukot sa Sitio Manubal ng Barangay Simbahan sa bayan ng Pangutaran bandang 8:15, Sabado ng gabi.

Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang insidente.

TAGS: Barangay Simbahan, Emo Fausto, Jonald Minalang, Joshua Ybañez, Pangutaran, Sepriano Sardido, Sitio Manubal, Sulu, Sulu Provincial Police, Vergel Arquino, Barangay Simbahan, Emo Fausto, Jonald Minalang, Joshua Ybañez, Pangutaran, Sepriano Sardido, Sitio Manubal, Sulu, Sulu Provincial Police, Vergel Arquino

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.