Senado, nagsuspinde na rin ng pasok bukas

By Angellic Jordan October 15, 2017 - 01:36 PM

Matapos ang naunang suspensyon ng Palasyo at Korte Suprema, suspendido na rin ang trabaho sa Senado bukas, October 16, 2017.

Nag-abiso si Senate officer-in-charge Senador Gringo Honasan ng suspesyon dahil sa inaasahang tigil-pasada ng grupong Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Opereytor Nationwide (Piston) simula bukas hanggang sa Martes.

Kasunod nito, inanunsiyo ni Senador Panfilo Lacson, Senate public order and dangerous drugs committee chair, ang pagpapaliban ng pagdinig kaugnay sa pagkamatay ng University of Santo Tomas (UST) law freshman student na si Horacio ‘Atio’ Castillo III.

Sa halip na bukas, itutuloy ang pagdinig sa araw ng Miyerkules, October 18 bandang 9:30 ng umaga.

 

TAGS: atio castillo, gringo honasan, ping lacson, PISTON, senate hearing, transport strike, atio castillo, gringo honasan, ping lacson, PISTON, senate hearing, transport strike

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.