Impeachment complaint vs Morales, planong ihain sa pagbabalik ng sesyon sa Kamara

By Angellic Jordan October 15, 2017 - 12:49 PM

Inquirer photo

Nakatakdang maghain ng umano’y “big impeachment complaint” laban kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales sa Nobyembre 13.

Ayon kay Atty. Manny Luna, legal counsel ng ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC), planong ihain ang impeachment na pinagsama-sama mula sa tatlong magkakahiwalay na reklamo sa pagbabalik ng Kongreso pagkatapos ng session break bunsod ng Undas.

Sakop aniya nito ang ilang grounds tulad ng multiple for betrayal of public trust, neglect of duty, selective justice, culpable violation of the constitution, use of falsified documents at graft and corruption.

Dagdag pa nito, mayroon ng nakakausap ang grupo na posibleng mag-endorso ng impeachment sa Kamara ngunit tinanggi naman na itong pangalanan ni Luna.

TAGS: Conchita Carpio-Morales, Impeachment complaint, Kamara, ombudsman, vacc, Conchita Carpio-Morales, Impeachment complaint, Kamara, ombudsman, vacc

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.