Pasok ng mga klase at government offices, sinuspinde ng Palasyo

Inanunsiyo ng Palasyo ng Malakanyang ang suspensyon sa pasok sa tanggapan ng gobyerno at mga klase sa lahat ng antas sa pribado at pampublikong paaralan sa buong bansa bukas, October 16, 2017.

Ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea, ito ay bunsod ng pangatlong ikakasang transport strike na dadaluhan ng iba’t ibang transport group kaugnay sa jeepney-modernization program ng Department of Transportation (DOTr).

Ngunit aniya, hindi kasama sa suspensyon ang private sector at ang mga employer na aniya ang may desisyon kung may pasok o wala.

Hindi rin aniya kasama sa suspensyon ang araw ng Martes, October 17, 2017.

Read more...