Mga mamamayan, pinag-iingat ng MIAA sa mga kawatan sa airport terminals

By Rhommel Balasbas October 15, 2017 - 05:59 AM

Dahil sa inaaasahang pagdami ng mga pasahero ngayong sasapit ang Christmas Season, muling nagpaalala ang Manila International Airport Authority (MIAA) sa mga mamamayan na maging mapagmatyag sa mga kawatan.

Ayon kay MIAA Media Affairs Division Chief Jesus Martinez, nararapat lang na maging alerto ang publiko dahil maging ang mga empleyao ng paliparan ay nagiging biktima rin ng pagnanakaw.

Noong Setyembre anya ay may kaso ng pangnanakaw ng isang foreigner sa isang janitress ng paliparan.

Nakilala ang suspek na si Dorota Lidia Rasinka Samocko na isang Polish National na umaming nagnakaw sa bag ni Elsie Amplayo na empleyado ng NAIA Terminal-1.

Nakuha kay Amplayo ang kanyang 15-day salary na nagkakahalaga ng 4,000 piso.

Samantala, ipatutupad naman ang “no leave policy” at ang maximum deployment ng mga security personnel sa apat na terminal kaugnay ng “Oplan Undas 2017.”

TAGS: MIAA, NAIA, MIAA, NAIA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.