2 opisyal ng Pasig River Rehabilitation Commission, sinibak ni Pangulong Duterte

By Rhommel Balasbas October 15, 2017 - 03:06 AM

Sinibak ni Pangulong Duterte sa pwesto ang dalawang opisyal ng Pasig River Rehabilitation Commission.

Ito ay matapos makarating sa presidente ang ulat na dinedelay ng dalawang opisyal ang konstruksyon ng isang major infrastructure project sa Metro Manila.

Sa isang panayam, sinabi ng pangulo na inupuan lamang ng dalawa ang mga dokumento na kailangan para sa Metro Manila Skyway Stage 3 na inaasahan sanang magpapaluwag sa trapiko sa Metro Manila.

Binatikos ni Duterte ang pag-abot ng halos isang taon na walang ginawa ang mga naturang opisyal na hindi niya pinangalanan.

Nagpadala na rin ang mga opisyal ng formal letter of apology sa presidente ngunit hindi anya katanggap-tanggap ang ginawa ng dalawa.

Anya, lumabag ang mga opisyal sa anti-graft and corrupt practices law ng bansa dahil sa pagdedelay ng mga dokumento.

Muling iginiit ng Pangulo na ayaw niya sa korapsyon at hindi na ito muling mamayagpag sa kanyang administrasyon.

TAGS: Metro Manila Skyway Stage 3, Pangulong Duterte, Pasig River Rehabilitation Commission, Metro Manila Skyway Stage 3, Pangulong Duterte, Pasig River Rehabilitation Commission

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.