Ayon sa senadora, kailangan ang pondo para maibigay ang nutrisyong kailangan ng aabot na sa 2.5 milyong estudyante na nakararanas ng malnutrisyon.
Gagamitin anya ang karagdagang pondo para sa pagbili ng mga equipment na kakailanganin upang makagawa ng mga bago o hindi kaya ay mapaganda ang kondisyon ng mga school kitchens.
Naglaan ang Department of Education o (DepEd) ng 5.3 bilyong pison pondo para sa feeding program sa panukalang 2018 General Appropriations Act.
Ngayong 2017, mayroong inilaang 3.9 bilyong piso ang kagawaran para mapakain ang 1.8 milyong estudyante.
Sakop ng feeding program ang mga “wasted at severely wasted” na mga mag-aaral mula Kinder hanggang Grade 6 sa buong bansa na papakainin sa loob ng 120 araw.
Ayon sa senadora, mahalagang mamuhunan ang bansa sa kinabukasan ng kabataan sa pagmamagitan ng pagsuporta sa kanilang nutrisyon.