5 major transport groups, hindi makikiisa sa transport strike bukas
Inanunsyo ng mga lider ng lima sa pinakamalalaking transport groups na hindi makikiisa ang mga miyembro nila sa nakakasang transport strike bukas.
Sa isang press briefing sinabi ng mga lider ng Pangkalahatang Sanggunian Manila and Suburbs Drivers Association (PASANG MASDA), ), Alliance of Concerned Transport Organizations (ACTO), Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (ALTODAP) na hindi nila susuportahan ang strike na nananawagan para ihinto ng pamahalaan ang jeepney modernization program.
Hihimukin anya nila ang mga miyrembro na huwag sumali sa protesta dahil makakaapekto ito sa publiko.
Nauna na ngang inalerto na ng Manila local government ang emergency units nito para magbigay ng tulong sa mga commuters at motorista na maapektuhan ng naka-schedule na 2-day nationwide transport strike bukas,
Samantala 41 governmentt vehicles naman ang ipapakalat ng MMDA.
Nag-anunsyo na rin ang ilang mga lokal na pamahalaan ng suspensyon sa klase
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.